Tinayak ng mababang kapulungan ang pagsasabatas sa 5 point trillion 2022 national budget.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, inihahanda na ng kamara ang pagta-transmit sa senado ng printed copy ng naturang batas upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga senador na aralin ang spending plan ng gobyerno sa susunod na taon.
Kumpiyansa naman si Velasco na makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa ang 2022 national budget upang matugunan ang pangangailanan ng mga pilipinong naapektuhan bunsod ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, mas palalakasin pa nito ang covid-19 response ng pamahalaan, upgrade sa assets ng Philippine Air Force (PAF) at pagpopondo sa mga state Universities and Colleges (SUCS) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).—sa panulat ni Angelica Doctolero