Walang balak ang Kamara na patahimikin ang OCTA research group sa mga report nito kaugnay sa COVID-19.
Ayon ito kay Congressman Jesus Bong Suntay matapos isulong ang imbestigasyon sa OCTA Research Group.
Hindi aniya witch hunt ang imbestigasyon sa Kamara hinggil sa operasyon ng grupo matapos niyang mabalitaang tila nabahala ang isa sa mga convenor ng OCTA Research na si Professor Ranjit Rye na matulad sa sinapit ng ABS-CBN.
Una nang iginiit ni Suntay kasama sina Congresswomen Bernadette Herrera-Dy, Kristine Singson-Meehan, Sharon Garin at Stella Luz Quimbo na mabusisi ng Kamara ang qualifications, research methodologies, partnerships at composition ng OCTA Research Group kaya’t wala anilang dapat itong ikabahala sa naturang imbestigasyon.