Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na mayroong extraordinary at miscellaneous expenses ang kongreso subalit wala itong intelligence fund noong 2019.
Ito ang inihayag ng COA nitong Miyerkules kung saan kinumpirma nitong walang kompidensyal o intelligence fund ang kamara batay sa 2019 Annual Financial Report (AFR).
Dagdag pa ng COA, may kabuuang P13.465 bilyon ang nagastos ng kongreso na ginamit para sa meetings, seminars at conferences; office equipment at supplies; public relations; educational, athletic at cultural activities at iba pang di kasama sa regular budget allocation.—sa panulat ni Agustina Nolasco