Niyanig ng kambal na pagsabog ang barangay Walled City Jolo Sulu.
Ang unang pagsabog ay naganap bago mag alas dose ng tanghali sa loob ng Paradise food shop sa tabu bg stbtax computer shop.
Makaraan lamang ang isang oras ay muling nagkaroon ng pagsabog sa pareho ring barangay sa harap naman ng DBP Bank.
Patuloy ang imbestigasyon at pagtukoy sa mga sugatan hanggang sa mga oras na sinusulat ang balitang ito.
JUST IN: Malaking pagsabog, gumulantang sa Poblacion ng Jolo sa Sulu pasado 12 ng tanghali ayon kay Capt. Rex Payot, Spokesman, Army's 11th ID | via @jaymarkdagala https://t.co/BwT4xg7tS4 pic.twitter.com/yEj0qGWlZT
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 24, 2020
6 na sundalo at 4 na sibilyan ang nasawi sa kambal na pagsabog sa Jolo Sulu.
Humigit kumulang rin sa 40 katao ang sugatan sa insidente na kinabibilangan ng 18 sundalo at 22 sibilyan.
Ayon kay Major General Corleto Vinluan, hepe ng Western Mindanao Command, naganap ang unang pagsabog bago mag alas dose ng tanghali kung saan 5 sa mga sundalo at 4 sa mga sibilyan ang nasawi .
Samantala, ang ikalawang pagsabog ay nangyari ng ala una ng hapon kung saan nasawi ang isang sundalo at isang babae na hinihinalang dayuhang suicide bomber.