Kambal na pagsabog ang naramdaman sa Lamitan City, Basilan kagabi.
Ayon sa Lamitan Police, isang multi-cab ang pinasabog sa harap ng isang Evangelical Church sa Flores Street sa Barangay Maligaya bandang alas-8:30 ng gabi.
Makalipas lamang ang 1 minuto, isa namang improvised explosive device ang sumabog sa Barangay Senga.
Wala namang napaulat na nasugatan sa pangyayari.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa naturang mga pagsabog.
By Rianne Briones