Kapabayaan ang resulta ng paunang imbestigasyon sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon na kumitil sa buhay ng halos 100 katao.
Ayon sa source ng Reuters, ilang taon nang idinudulog sa korte at mga komite ang halos 3,000 tonelada ng ammonium nitrate na anim na taon nang naka imbak sa isang bodega na pantalan sa Beirut.
Wala umanong ginawa pag magkaruon ng safety measures sa pagimbak ng ammonium nitrate o kaya naman ay tanggalin at i-dispose ito sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi umano ng source na nagsimula ang sunod sa warehouse 9 at saka kumalat hanggang warehouse 12 kung san naka imbak ang ammonium nitrate na ginagamit sa paggawa ng fertilizer at bomba.
Ang pagsabog ng libo-libong tonelada ng ammonium nitrate ang pinakamatinding pagsabog na naranasan ng Beirut na matagal ring dumanas ng giyera.