Hinimok ni Dating Health Secretary at Iloilo Lawmaker Janette Garin ang Department of Agriculture na i-promote ang kamote o sweet potatoes bilang alternatibo sa bigas upang malabanan ang posibleng rice shortage.
Ginawa ni Garin ang pahayag bilang tugon sa babala ng ilang grupo sa posibleng kakulangan ng bigas sa 2023 sa gitna ng pagbaba ng produksyon nito dahil sa mataas na halaga ng agricultural inputs.
Binigyang-diin ng dating kalihim na ang kamote ay mataas sa fiber at mabuti ito sa kalusugan.
Iminungkahi pa ni Garin sa pamahalaan na magbigay ng insentibo sa mga restaurant at karinderya na magse-serve ng kamote.
Gayunman, nilinaw ni Garin na hindi siya nananawagan na itigil ang pagkonsumo ng bigas.