Lalo pang paiigtingin ng Bureau of Immigration ang kanilang kampaniya kontra sa mga dayuhang iligal na naninirahan sa Pilipinas.
Ito ang babala ng immigration sa mga pasaway na dayuhan ngayong papasok na bagong taong 2020.
Batay sa datos, pumalo sa 2,000 mga illegal aliens ang naaresto ng immigration para sa taong 2019.
Karamihan sa kanilang mga naaresto ay mga tsino na iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas at sangkot sa cyber crime activities.
May ilan ding naaresto ang Immigration na sangkot sa terrorismo habang ang ilan ay mga pugante na dito sa Pilipinas piniling magtago.
Naitala rin ng Immigration na marami ring Indian nationals silang naaresto dahil naman sa illegal lending activities sa bansa.