Inaasahan na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na mapupuno ang kanilang pasilidad kasunod ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang kanilang kampaniya kontra sa mga batang palaboy.
Pero pagtitiyak ni DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, agad nilang ipo-proseso ang mga kabataang dadalhin sa kanila ng mga pulis gayundin ng mga opisyal ng barangay.
Sa ngayon, sinabi ni Orogo na aabot lamang sa 72 ang kanilang mga centers sa Metro Manila na tatanggap sa mga ite-turn over na mga batang palaboy sa kalsada.
Subalit sinabi ni Orogo na kanila na iyong ipina-aayos at pinadaragdagan na rin nila ang mga ito ng tig–50 higaan kada silid sa bawat centers ng kagawaran.
—-