Muling tiniyak ng Amerika ang kanilang patuloy na pagsuporta sa Pilipinas hinggil sa kampaniya nito kontra terorismo.
Ito ang ipinangako ni U.S. Navy Fleet Commander Admiral Scott Swift kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at sa mga opisyal ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Swift, nagbunga na ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Amerika na lalong nagpatibay sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa rehiyon ng Asya Pasipiko.
Maliban kay Cayetano, nakipagpulong din si Swift kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año at Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Mercado.
By: Jaymark Dagala