Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Health para mapalakas pa ang kampanya kontra dengue lalo na ngayong tag-ulan.
Paalala ng ahensya na dapat sundin ang 4s strategy ng DOH na “Search and destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, at Support fogging/Spraying” para malabanan ang pagkalat ng dengue.
Dapat din anilang ugaliin ang pagtatapon ng basura sa tamang lagayan para hindi magsilbing “breeding ground” ng mga lamok.