Dadalhin ng PNP-NCRPO ang kampanya kontra droga sa mga paaralan.
Bilang paunang hakbang, sinabi ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng PNP-NCRPO na makikipag-ugnayan siya sa Department of Education at sa mga paaralan para sa anti-illegal drugs operations.
Ayon kay Eleazar, imumungkahi niya sa mga paaralan na magsagawa ng surprise inspection sa mga bags at locker ng mga estudyante.
Eleazar: Mga mga napapaulat na may mga bentahan pa rin ng iligal na droga sa mga eskwelahan kaya magandang magkaroon ng surprise inspection
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 3, 2018