Hindi tatantanan ng pamahalaan ang paghahanap ng mga solusyon para mapuksa na ng tuluyan ang pagkalat ng human immuno virus o HIV pagsapit ng taong 2030.
Ito ang pangakong binitiwan ni Health Secretary Janette Garin sa kanyang pagharap sa United Nataions High Level Meeting on HIV/AIDS sa New York.
Binigyang diin ng kalihim na bagama’t maliit lamang ang prevalence ng HIV sa pilipinas, nakaaalarma naman aniya ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso nito sa bansa.
Para maisakatuparan ang plano, sinabi ni Garin na kakailanganin ng gobyerno ang tulong ng mga lokal gayundin ng mga international partners nito.
By Jaymark Dagala