Nilinaw ng Malacañang na hindi itinigil ng pamahalaan ang kampanya laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na Oplan Tokhang lamang ng Philippine National Police ang sinuspinde.
Patuloy pa rin, aniya, ang PDEA at NBI sa mga anti-drugs operation.
Samantala, haharapin naman ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang paglilinis sa hanay ng pulisya, partikular ang mga pulis na nagsamantala sa Oplan Tokhang para kumita ng malaking pera.
Kasabay nito, umapela si Abella sa publiko na magtiwala sa PDEA at NBI kaugnay sa gagawing pagtugis sa mga sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping