Pinaigting na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang operasyon laban sa lahat ng klase ng iligal na sugal.
Ipinag-utos ni NCRPO Chief, Maj. Gen. Felipe Natividad sa lahat ng district directors, police chiefs at station commanders na maglunsad ng all-out war kontra illegal number games.
Ito’y matapos ang direktiba ni Interior Secretary Eduardo Año na magsagawa ng masidhing kampanya laban sa illegal gambling, kabilang ang peryahan ng bayan.
Una nang inihayag ng PNP na namamayagpag pa rin ang peryahan ng bayan kahit sinuspinde na ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office at Office of the President.
Batay sa record ng NCRPO, aabot na sa 370 katao ang inaresto dahil sa iligal na sugal simula Mayo 1 hanggang 15.