Nangako ang Estados Unidos na palalakasin pa nila ang kanilang kampanya laban sa ISIS.
Ginawa ng Amerika ang pahayag matapos silang batikusin dahil umano sa mahina nilang opensiba laban sa nasabing international terrorist group.
Ayon kay US Defense Secretary Ash Carter, sa Lunes ay pupunta mismo si President Barrack Obama sa Pentagon para bigyan siya ng briefing kaugnay sa kanilang kampanya laban sa ISIS.
Nakipagpulong na rin si Carter sa kanyang counterpart sa Britanya kaugnay sa magiging extensive operation ng puwersa ng Amerika sa mga darating na araw sa Syria at Iraq.
Samantala, nananatili namang nakataas ang alert level para sa mga Amerikano na nasa labas ng US dahil sa babalang inilabas ng US State Department sa posibilidad ng paglulunsad ng ISIS ng pag-atake sa mga Westerner.
By Jonathan Andal