Ibinida ng Pangulong Benigno Aquino III ang mga nagawa ng kanyang administrasyon kaugnay sa kampanya kontra katiwalian.
Sa kaniyang pagsasalita sa third conference ng United Nations Against Corruption, ipinagmalaki ng Pangulo na malayo na ang narating ng gobyerno sa paglilinis sa katiwalian sa bansa.
Tinukoy ng Pangulo ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa dating Pangulong Gloria Arroyo, dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at pagpapakulong sa mga nakinabang sa PDAF.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang pagbabago sa hanay ng GOCC na dating pinagnanakawan ng pondo subalit ngayon ay halos madoble na ang koleksyon.
Umaasa ang pangulo na tuluy-tuloy na ang pagbabago sa bansa para ganap na magbalik ang tiwala ng mga Pilipino sa gobyerno.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)