Umarangkada na ang mas pinaigting na kampanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Central Luzon laban sa mga kolorum o illegal public utility vehicles na bumibiyahe sa rehiyon.
Ayon kay LTFRB-3 Director Nasrudin Talipasan, anim na sasakyan ang agad nilang nasampulan at in-impound matapos isyuhan ng Inspection Report Summons o IRS dahil sa pag-o-operate nang walang ‘proper authority’ mula sa ahensya.
Bukod dito, labing-siyam na iba pa ang hinuli dulot ng iba’t ibang paglabag tulad ng overcharging, cutting trips o wala sa ruta, at hindi pagsusuot ng uniporme.
Paliwanag ni Talipasan, hangad ng LTFRB na itaguyod at protektahan ang karapatan ng mga law-abiding operators at ang mga mananakay tungo sa isang malinis at malusog na kumpetisyon sa public transportation.