Nakukulangan pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng kampanya ng pamahalaan kontra sa kriminalidad, iligal na droga at terorismo.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos i-anunsyo ni Pangulong Duterte na magpapatupad siya ng “radical change” sa bansa.
Sinabi ni Roque na nais paigtingin pa ng administrasyon ang paglaban partikular sa kriminalidad sa bansa.
Naawa umano kasi ang Pangulo sa sinapit ng prosecutor na limang buwan pang buntis na pinatay sa Quezon City kamakailan.
Tiniyak naman ni Roque na naaayon sa batas ang ipatutupad na “radical change” sa seguridad ng bansa.
—-