Paiigtingin ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya laban sa mga lasing na driver upang maiwasan ang aksidente sa holiday season.
Ayon sa LTO Law Enforcement Service, mahigpit na ipatutupad ang RA 10856 o Anti-Drug Driving Act.
Batay sa datos ng LTO, tumaas sa 546 ang naitalang road crash accidents mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, kung saan 489 na sangkot na driver ay naka-inom ng alak.
Kumpara ito sa 73 road crash accidents noong Enero hanggang Disyembre 2021.
Bukod sa LTO, kabilang din sa mga inatasang manghuli ng mga laseng na driver ang PNP at MMDA habang ang mga mahuhuli ay sasailalim sa field sobriety tests. —sa panulat ni Jenn Patrolla