Idineklarang tagumpay ng Department of Health ang kampanya kontra paputok ng pamahalaan sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, bumaba ng animnapu’t walong porsyento ang bilang ng nabiktima ng paputok mula December 21, 2017 hanggang January 1, 2018 kumpara sa parehong panahon noong December 2016.
Isandaan at syamnapu’t isa ang naitalang sugatan dahil sa paputok kung saan ay animnapung porsyento dito ay sa National Capital Region.
Sinabi ni Duque na wala rin silang naitalang namatay dahil sa paputok, nakalunok ng paputok at tinamaan ng ligaw na bala bagamat may hiwalay na datos dito ang Philippine National Police.
Binigyang diin ni Duque na ito na ang pinakamababang datos ng nasugatan sa pagsalubong ng bagong taon sa nakalipas na limang taon.
The government’s campaign against fireworks has reduced the number of injuries. The DOH is certainly most grateful for the strong cooperation of our local government units and the other government agencies for this success. And we would like to thank, first and foremost, President Rodrigo Duterte for signing the executive order number 28 which truly reinforce the efforts of the DOH. Pahayag ni Duque