Paiigtingin pa ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang kampanya kontra panlilimos.
Ayon kay Manila Social Welfare Development Director Asuncion Fugoso, mas palalawakin pa nila ang rescue and reach out operations sa mga nanghihingi ng limos sa mga lansangan ng lungsod.
Aniya, hindi pang aaresto ang kanilang gagawin bagkus ay dadalhin nila sa Manila boystown ang mga maaktuhang nanlilimos.
Dagdag pa nito, kasama rin ang mga katutubo sa mga sasagipin at bibigyan nila ito ng pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.
Makikita sa pinakahuling datos ng Manila Local Government ay bumaba na ang bilang ng mga namamalimos dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours sa Maynila.