Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) ang kampanya laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Tuberculosis (TB) Infections, maliban sa COVID-19.
Ayon kay pang. Marcos, dapat gawing prayoridad ang General Public Health Concerns.
Sa nasabing pagpupulong, inalam ni PBBM kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang lagay ng TB-DOTS Program na layong puksain ang TB sa bansa.
Iniulat naman ni Vergeire kay PBBM na mas nagiging moderno na ngayon ang DOH at katunayan ay ilulunsad na rin nito ang primary care program kabilang ang TB-DOTS.
Muli aniya tumataas ang bilang ng mga nahahawaan ng TB dahil sa mataas na transmissibility ng sakit at karamihan sa mga tinatamaan nito ay ang mga nasa lower income bracket ng lipunan.
Naglulutangan din aniya ang ilang multi-drug resistant cases ng tb lalo pa’t nakakabili pa rin ang publiko ng over the counter na anti-TB medicines.
“There still are still there, we cannot forget such health issues such as tuberculosis, HIV, flu, that are constant threat to public health, they are continuing to manage the COVID, and all its new variants at we have reminded DOH, that there are other issues beyond COVID, and since COVID is more or less being managed we have to put our attention going back to the existed even before COVID”
Ang tinig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. - sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).