Naniniwala ang Malakanyang na higit ngayong matututukan ang kampanya kontra iligal na droga, terorismo at kriminalidad sa pag-upo nina General Oscar Albayalde bilang incoming PNP Chief at Lt. General Carlito Galvez bilang AFP Chief of Staff.
Ayon kay Special Assistant to the President Sec. Bong Go, batid ng lahat na lahat ang pagiging masigasig nina Albayalde at Galvez sa kanilang mga tungkulin bilang NCRPO chief at Western Mindanao Command Chief.
Pahayag ni Go, sa pamumuno ni Albayalde sa National Capital Region Police Office o NCRPO, tumaas ang bilang ng drug operations na nagresulta sa pagsuko at pag-aresto sa mga drug suspect.
Samantala, sa ilang dekada na aniyang pagkakadestino ni Galvez sa Mindanao, tiyak na malaki ang maitutulong nito kay Pangulong Duterte pagdating sa paglaban sa terorismo.
Paliwanag ni Go, isa si Galvez sa mga masigasig na namuno sa marawi siege na nagpabagsak sa Maute-ISIS terrorist group.
Hangad naman ni SAP Go ang tagumpay nina Albayalde at Galvez sa mga bagong assignment na ipinagkatiwala sa kanila ni Pangulong Duterte.