Ibabalik na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police o PNP ang kapangyarihan upang pangunahan ang war on drugs.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa mga sundalo mula sa special operations command sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Aminado ang Punong Ehekutibo na wala siyang ibang maisip kundi ibalik ang PNP sa war on drugs dahil sa muling pagtaas ng mga krimeng may kaugnayan sa iligal na droga tulad ng pagpatay, panggagahasa at pagsunog sa bank employee na si Mabel Cama, sa Pasig City.
—-