Nananatiling nasa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pangunguna sa kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque huwag madaliin at bigyan muna ng sapat na panahon si Pangulong Rodrigo Duterte para mapag-aralan ang mga susunod na hakbang kaugnay dito.
Giit ni Roque mas makakabuting hintayin na lang ang pinal na desisyon ng Pangulo kung ibabalik na ba ng tuluyan sa Philippine National Police o PNP ang war on drugs .
Una ng nabanggit ng Pangulo na handa siyang ibalik sa PNP ang kampanya laban sa iligal na droga kung lalala ang sitwasyon nito sa pangunguna ng PDEA.
—-