Sisimulan na ng Pambansang Pulisya sa susunod na taon ang kanilang kampanya kontra sa iligal na sugal.
Ito ang pagtitiyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasunod ng pahayag nito na baka palawigin pa ng anim na buwan ang kanilang kampanya naman kontra iligal na droga.
Ngunit sa kabila ng pagiging abala sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot, tiniyak ni Dela Rosa na determinado silang simulan na buwagin ang sugal tulad ng jueteng.
Partikular na kanilang tututukan ang operasyon ng small town lottery katuwang ang Philippine Charity Sweepstakes Office na siyang ginagamit na front ng mga jueteng lords sa kanilang operasyon.
By Jaymark Dagala