Lalong pinaigting ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya laban sa jaywalking sa Edsa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na hindi luluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila kung hindi paiiralin ng mga mananakay ang pagkakaroon ng disiplina.
Babala ni Pialago, papatawan ng P500 ang sinumang mahuhuling dumadaan sa hindi tamang tawiran habang ang mga walang kakayahang magbayad ay isasalang sa community service.
Giit pa ng tagpagsalita ng MMDA, maging ang mga bus driver na nagbababa ng mga pasahero sa hindi tamang babaan ay pagmumultahin din.
Bahagi ng pahayag ni MMDA Spokesperson Celine Pialago
By Jelbert Perdez | Karambola