Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya laban sa masamang epekto ng paggamit ng tabako at pagkakalantad sa Secondhand smoke.
Ayon sa MMDA, batay sa sinabi ng US Centers for Disease Control Prevention, walang ligtas ang sinumang malalantad sa secondhand smoke dahil agad itong magdudulot ng pinsala.
Sa katunayan, ang mga hindi naninigarilyo na nasa hustong gulang ay may 25% hanggang 30% na posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.
Sa kabila naman ng pagbaba ng bilang sa pagkakalantad sa secondhand, sinabi ng MMDA na magpapatuloy sila sa kanilang aktibidad sa pagkontrol sa tabako.
Bukod sa promosyon at kamalayan ng publiko, nagbibigay din ang ahensiya ng technical assistance sa 17 Local Government Units para sa pagbuo ng mga polisiya, kapasidad, mga estratehiya sa komunikasyon, at pagbabantay sa pagsunod ng publiko.