Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga nagmamaneho ng mga nakumpiskang sasakyan at motorsiklo sa kanilang hanay, partikular na ang mga ginagamit bilang ebidensya sa mga kasong kriminal.
Ayon kay Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Chief Brig. Gen. Warren de Leon, simula noong Enero 27 ay nagsasagawa na ng lockdown ang kanilang tanggapan at ang Highway Patrol Group (HPG0 sa ilang kampo ng pulisya.
Sinabi ni De Leon na may mga nahuling sibilyan at pulis na gumagamit ng mga pasong rehistro, walang plaka, o may nakakabit na improvised plate sa kanilang sasakyan.
Samantala, nilinaw ni De Leon na bahagi pa rin ito ng internal cleansing program ng buong organisasyon.