Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas pinaigting na ng pamahalaan ang kanilang mga aksyon upang matuldukan ang online child abuse.
Palalakasin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Violence Against Women and Children (VAWC) desks upang mapahusay ang paghawak sa mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa mga barangay.
Ang VAWC desk ay isang barangay-level facility na tumutulong sa mga biktimang nakaligtas sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Karaniwan itong matatagpuan a loob ng barangay hall at pinamamahalaan ng desk officer na itinalaga ng Punong Barangay.
Plano ng DILG na i-capacitate ito dahil ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang alam ng barangay kung ano ang kanilang gagawin sakaling magsumbong sa kanila ang inabusong bata.
Ipinag-utos din ng ahensya ang pagsasagawa ng mga seminar sa mga barangay at lokal na pamahalaan ukol sa online child abuse.
Bukod rito, mahigpit na pinagbabawalan ng DILG ang pag-areglo sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa mga bata.