Opisyal nang nagsimula ang kampanya ng mga senatorial at partylist candidate para sa May 13 midterm elections.
Ayon sa Commission on Elections, 63 kandidato ang maglalaban para sa 12 bakanteng pwesto sa senado, 134 ang partylist candidate para sa 60 bakanteng partylist seats.
Magsisimula naman ang kampanya ng mga local candidate kabilang ang mga tumatakbo sa pagka-kongresista sa Marso 29.
Kabuuang 243 district representatives, 81 governor, 145 city mayor, vice mayor at city council members ang kailangang punan.
Mayroon namang 1,489 municipal mayor, vice mayor at sangguniang bayan member.
Samantala, magtatapos ang campaign period sa Mayo 11 o dalawang araw bago ang halalan.