Tila tinapatan ng MMDA ang mahigpit na kampanya ng Duterte Administration laban sa illegal drugs
Pina igting ng MMDA ang kampanya laban sa mga traffic violator tulad ng jaywalkers at litterbug’s o mga nagkakalat sa mga kalsada gayundin sa EDSA
Ayon sa MMDA 300 tauhan ang itinalaga nila para hulihin ang jaywalkers at litterbugs sa EDSA partikular sa Monumento, North edsa, Quezon Avenue, Cubao, Shaw Blvd., Ortigas, Taft Avenue at Guadalupe
Magmumulta naman ng 500 Piso o kaya naman ay maglilinis ng estero sa loob ng tatlong araw ang mahuhuling jaywalker o magkakalat ng basura sa EDSA
By: Judith Larino / Allan Francisco