Mas pinaigting pa ng pamahalan ang kampanya nito laban sa human trafficking.
Ito’y makaraang madakip ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang bugaw habang siyam naman ang nasagip sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Tacloban.
Ayon sa pulisya, ginagamit ng mga suspek ang ilang menor de edad sa kanilang operasyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng sexual services kapalit ng pera sa social media sites.
Nasa custody na ng city social welfare office ang mga biktima habang sasampahan ng kasong qualified trafficking ang dalawang naarestong suspek.