Hindi pa tinatanggal ng Amerika sa Tier 2 category, ng human trafficking ang Pilipinas.
Ayon sa US State Department, hindi pa aalisin ng Amerika ang Pilipinas sa Tier 2, dahil nabigo ang Pilipinas na sumunod minimum standards sa pagpapatigil sa trafficking.
Ayon sa 2015 Trafficking in Persons Report, bukod sa pagiging source ng mga biktima ang Pilipinas din ang ginagawang destinasyon at transit country para sa mga tao na biktima ng sex trafficking at forced labor.
Sa kabila nito, kinilala din ng US State Department ang efforts ng Pilipinas sa pagpapahinto sa trafficking, kabilang ang 54 convictions na mas mataas sa 31 lang noong nakaraang taon.
By Katrina Valle