Nagsimula nang mangampanya sa mga reelected at mga bagong miyembro ng House of Representatives ang mga nag aambisyong maging House Speaker ng 18th Congress.
Ayon kay Surigao Congressman Johnny Pimentel, apat ang nakikita nilang seryoso sa panunuyo ng boto para sa House Speakership.
Tinukoy nito sina Cong. Lord Allan Velasco na una nang ipinakilala ni Davao City Mayor Sara Duterte bilang susunod na speaker si Congressman-elect Allan Peter Cayetano, Cong. Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez.
Gayunman, kumbinsido si Pimentel na mapupunta lamang sa wala ang marubdob na kampanya kapag may iniyendorso na ang Pangulong Rodrigo Duterte.
“If the President Duterte will endorse one candidate then lahat yun pupunta nga sa kandidato nung presidente. Kagaya nung nangyari sa 17th Congress, you remember the Cabinet Secretary Karlo Nograles was already campaigning. In fact, he was already had 140 congressmen pero pag-upo ni Presidente Duterte ang inendorse niya was Pantaleon Alvarez so nag give way and lahat ng congressmen nagpuntahan kay Alvarez.” Pahayag ni Rep. Pimentel.
Panukalang service charge na mapunta sa mga manggagawa isinusulong
Isusulong ni Surigao Congressman Johnny Pimentel na mapunta sa mga manggagawa ng isang restaurant, hotel at iba pa ang service charge na kasama sa binabayaran ng mga customers.
Ayon kay Pimentel, sa ngayon, 85 porsyento lamang ng service charge ang pinagha hati hatian ng mga manggagawa ng restaurants at kahalintulad ng business establishment.
Nakabatay aniya ito sa Labor Code of 1974 kung saan nakasaad na maaaring mapunta sa may-ari ng establisimiento ang 15 porsyento ng service charge.
“Personal ba yung bill so yung service charge talaga isinasama sa bill yun. Like for example, yung bill mo is P100 plus ten percent so yung bill mo is P110. So kung magbibigay ka pa ng tip iba pa yun, yun ay kasama doon sa babayaran mo talaga. Eh yung tip naman that is already optional.” Pahayag ni Rep. Pimentel.