Pinaigting pa ng Department of Interior and Local Government o DILG ang kanilang kampanya para sa pagpili ng matino, mahusay at maaasahang kandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan.
Kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa barangay at SK elections ay muling inilatag ng DILG ang mga ipinagbabawal gawin sa panahon ng kampanya na nagsimula ngayon hanggang sa Mayo 12.
Una na rito ang pagbabawal sa isang kandidato na magbigay ng donasyon o regalo, pagtatalaga o paggamit ng special policemen o confidential agent, pagkuha ng mga bagong empleyado, contruction at maintenance ng mga kalsada o tulay na pinondohan ng barangay, paglikha ng bagong posisyon o pag-promote ng isang empleyado at pagbibigay ng benepisyo at dagdag na suweldo sa mga empleyado.
—-