Sinimulan na ni world number one Andy Murray ang kampanya nito sa ATP World Tour Finals.
Ito ay matapos talunin ni Murray ang Croatian na si Marin Cilic sa O2 Arena.
Si Murray ay sinalubong ng tila bayani ng home crowd nang tumayo ito sa Blue Cort para sa kanyang unang laban simula nang mapasakamay muli ang top spot.
Tila nahirapan si Murray na matralo si Cilic na halos pumantay na sa kanyang galing subalit namayani pa rin ang strategy ng bagong world number one.
Kailangang maungusan ni Murray si Novak Djokovic ng Serbia na siyang nanaig sa tournament sa nakalipas na apat na taon para matiyak ang pagiging rank one sa pagtatapos ng taong 2016.
By Judith Larino