Balik kampanya ngayong araw si presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang nasasakupang lungsod, ang Davao City.
Ito’y kasunod nang kanyang pagpasya na makauwi sa Davao kahapon matapos siyang atakehin ng migraine sa isang event sa Ortigas noong Huwebes.
Ayon sa kampo ni Duterte, ngayong araw ay magsasagawa ng ronda-serye ang alkalde kasama ang ibat ibang transport group, kanyang anak na si Sara at ang kanyang running mate na si Senator Alan Peter Cayetano.
Lilibutin nila ang mga malalaking barangay sa siyudad ng Davao.
Mamayang hapon naman, inaasahang dadaluhan ni Duterte ang isang mass wedding sa siyudad.
Dadalo rin ang PDP-Laban tandem sa thanksgiving at worship presentation ni Pastor Apollo Quiboloy bukas, Pebrero 14, sa Open Field ng Kingdom of Jesus Christ Compound sa Buhangin, Davao City.
Sa Lunes naman, Pebrero 15, magsasagawa sina Duterte at Cayetano ng isang public rally sa Tagoloan at El Salvador sa Misamis Oriental.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal
5 comments
para sa pagbabago tunay na maasahan Duterte and Cayetano para sa lahat!
para sa tunay na kapayapaan ng bayan Duterte and Cayetano lamng para sa tunay na kaginhawahan sa buhay.
para sa bayan and sa better future ng bawat-isa Duterte and Cayetano lamng.
go Duterte and Cayetano alam naman namin na kayo ang magtatagumpay.
Duterte and Cayetano ang tunay na magliligtas sa bayan.