Mas paiigtingin pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang search and destroy campaign.
Ito’y sa gitna na rin ng tumitinding epekto ng zika virus sa Latin America.
Dahil dito, umapela si DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy sa publiko na makiisa sa naturang kampanya upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng nasabing virus.
Pinayuhan din ng DOH official ang taumbayan na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran.
“Hindi talaga kakayanin ng government lamang kasi ang tatargetin na naman natin dito ay kalinisan para masiguradong hindi dumami ang populasyon ng lamok na may kakayahang magsalin nito, so babalik tayo ulit sa ating kampanya palagi tungkol sa kalinisan, search and destroy, siguraduhin walang mga containers na merong mga stagnant water na puwedeng pamahayan ng mga lamok na ito.” Pahayag ni Lee Suy.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita