Nagsimula na ang kampanya ni Novak Djokovic para sa US Open matapos talunin si Thomaz Bellucci.
Dahil sa nasabing panalo, sumulong si Djokovic sa ikatlong round ng ATP Montreal Masters.
Ang Montreal Masters ang unang exposure ni Djokovic matapos mapasakamay ang Wimbledon title, mahigit isang buwan na ang nakakaraan.
Hihintayin na lamang ni Djokovic kung sino ang mananalo kina American Jack Sock at 14th Seed Grigor Dimitrov at ito ang makakalaban ng Serbian Top Seed.
By Judith Larino