Kaagad natapos ang kampanya sa Wimbledon ni US Tennis Star Serena Williams.
Kasunod ito nang pagdapa ni Williams sa unseeded player na si Harmony Tan sa unang round ng torneo.
Tuwang tuwa si Tan sa kanyang panalo bagamat inamin nitong nahirapan siya sa nasabing laban.
Binigyan naman ng matinding palakpakan ng audience ang 23 time grand slam habang papalabas ng court dahil sa ipinamalas na galing din sa laro.