Pinaigting na ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya kontra smuggled at fake rice gayundin sa iba pang basic commodity na maaaring makaapekto sa kalusugan ng publiko.
Tiniyak ni Customs Commissioner Alberto Lina na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Department of Finance (DOF) laban sa smuggling na maaari ring makaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Bukod anya sa DOF ay nakikipagtulungan din ang BOC sa National Food Authority (NFA), Local Government Units (LGUs) at mga law enforcement authority tulad ng Armed Forces, Philippine National Police at Coast Guard upang masabat ang mga kontrabando.
Nitong nakalipas na linggo ay naglunsad ng surprise inspection ang BOC sa ilang pantalan sa Davao matapos ang pagkalat ng mga impormasyon na ibinabagsak sa naturang lugar ang mga synthetic rice na gawa umano sa China.
By Drew Nacino