Nakatakdang ilunsad ng National Movement for Free Elections o NAMFREL ang isang kampaniya laban sa mga epalitiko o mga pulitikong mahilig kumuha ng atensyon ng publiko.
Ito ayon kay Eric Alvia, Secretary General ng NAMFREL, ay dahil sa paniwalang unti-unti nang umiinit ang election fever halos isang taon bago ang 2016 elections.
Tatawagin aniya ang kampanya na 2016 election na “Pampam’s Facebook Page”, kung saan maaaring ipaskil dito ng publiko ang mga nagpapapansing kandidato o pulitiko.
Iginiit ni Alvia na insulto sa mga botante ang ginagawang pagpapapansin ng mga pulitiko sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang advertisement na napapanood sa telebisyon.
By Jaymark Dagala