Inilunsad na ngayong araw na ito ang signature campaign para himukin si Congresswoman Leni Robredo na tumakbo bilang Vice President sa 2016.
Ang nasabing kampanya na inilunsad sa Baseco Compound sa lungsod ng Maynila ay pinangunahan ng civil society organization at urban poor leaders.
Dumalo sa nasabing launching si dating Congressman Erin Tañada na isinusulong ang pagtakbo ni Robredo bilang Vice President ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa 2016.
By Judith Larino