Isang laban na lamang ang dapat maipanalo ng San Miguel Beermen para ganap na masungkit ang kampeonato sa PBA Governors’ Cup.
Ito’y makaraang mapadapa sa ikatlong pagkakataon ng Beermen ang Alaska Aces kahapon sa score na 96-89 sa pagpapatuloy ng kanilang best of seven series.
Pinangunahan ng import na si Arizona Reid ang depensa ng Beermen nang makapagbuslo ito ng 41 puntos at makapagtala ng 17 field goals at 12 rebounds.
By Jaymark Dagala