Napasakamay ng Amerika ang kampeonato sa Women’s World Cup matapos talunin ang Japan.
Nagbubunyi ang mga Amerikano sa ipinakitang galing ng team sa pangunguna ng midfielder Carli Lloyd na nakakuha ng tatlo sa limang goals ng US team.
Naitala sa 5-2 ang final score sa nasabing laban.
Ang nasabing panalo ng US sa Women’s World Cup ay kauna-unahan simula noong 1999 samantalang tinalo ito ng Japan noong 2011.
Nagpaabot na ng pagbati ang mga opisyal ng Amerika sa pangunguna ni President Barack Obama sa nasabing tagumpay ng US soccer team.
By Judith Larino