Hindi natalo ang kampo ng dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa desisyon ng PET o Presidential Electoral Tribunal hinggil sa kinu-kuwestyong integridad ng May 2016 Elections.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, malinaw sa desisyon ng PET ang pag-set aside o pagbukod sa usapin ng legalidad ng automated elections sa nakalipas na eleksyon.
Sinabi sa DWIZ ni Rodriguez na binigyang diin pa ng Korte Suprema sa kanilang desisyon na kahit pa mapatunayan ng kampo nila na may iligal sa automated elections, hindi nito mai-uupo bilang Vice President ang dating senador.
The Supreme Court (SC) said, “Huwag na nating ‘yung inyong first…action”.
We may ‘yung atake po natin sa constitutionality and legality of the automated elections system that we used in 2016.
Sabi nga ho nila, eh, kung mapatunayan nga ho ninyo for the sake of argument, that doesn’t make Senator Bongbong Marcos the Vice President kasi uuwi parin tayo doon sa gusto natin from the beginning, sa manual.