Wala pang natatanggap na official resolution mula sa Office of the Ombudsman ang kampo ni dating Special Action Force (SAF) Commander Director General Getulio Napeñas hinggil sa isinampang kaso ng Office of the Ombudsman.
Nahaharap sa kasong grave misconduct, neglect of duty at Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima, at dating SAF Commander Getulio Napeñas at 8 iba pang opisyal ng PNP kaugnay ng madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero.
Ayon kay Atty. Vitaliano Aguirre abogado ni Napeñas, hindi pa nila alam kung ano ang naging basehan sa pagsasampa ng kaso.
Ipinagtataka din ng kampo ni Napeñas ang hindi pagkakasama sa kaso ni Pangulong Aquino.
“Nalaman din natin na inabswelto po nila si Pangulong Aquino sa anumang liability tungkol dito, hindi rin po namin alam kung ano ang basehan, hindi din po tayo makapagbigay ng mahaba-habang komentaryo tungkol dito.” Ani Aguirre.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita