Sangkaterbang improvised explosive devices (IED) at black flags ang nakumpiska ng mga otoridad sa kampo ng ISIS inspired group sa Madalum, Lanao del Sur.
Natunton ng tropa ng 103rd Infantry Batallion ng Philippine Army ang pinagkakampuhan ng mga teroristang anila’y nasa likod nang pagpatay kay Staff Sergeant Lito Polines nuong nakalipas na buwan.
Ayon kay Army Commander Col Jose Maria Cuerpo, bukod sa mga pampasabog at ibang kagamitan, tumambad din sa kanila ang halos 20 makeshifts na nakatayo sa high grounds ng kampo.
Inamin ni Cuerpo na ginamitan nila ng airstrike ang pinagkukutaan ng mga terorista kayat napuwersa ang mga ito na tumakas.